F.A.Q.



ANO ANG GINAGAWA NG BAGONG PAMUNUAN NG CENPELCO PARA MAISAAYOS ANG KOOPERATIBA?
  1. Nagsasagawa ng malawakang “Rehabilitation Efficiency Plan”.
  2. Nagkaroon ng “Re-Organization “ sa lahat ng kawani ng CENPELCO
  3. Nagdaragdag ng Substations at Transformers para mabawasan ang madalas na “Brownouts”.
  4. Pinapababa ang “System Loss”sa pamamagitan ng paghuli sa mga magnanakaw ng koryente; malawakang paniningil at malawakang pagpapalaganap ng inpormasyon tungkol sa bagong patakaran ng CENPELCO at pagsasa-ayos ng “substandard” na linya.
  5. Pagpapalit ng mga nasirang linya at poste.
  6. Pagpapailaw sa malalayo at sa maliblib na lugar
  7. Pagpapalit ng sira at hindi na maayos na andar ng KWH meter
ANO ANG PAPEL NG MGA MIEMBRO O KASAPI?
  1. Maagap na pagbabayad ng nakunsumong koryente.
  2. Pagbibigay proteksyon sa pag-aari ng kooperatiba.
  3. Pagbibigay ulat hinggil sa gumagawa ng pandaraya at pagnanakaw ng koryente.
  4. Dumalo sa mga pulong na regular upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa mga bagong aktibidadis ng CENPELCO.
  5. Huwag galawin o pakialaman ang kintador at linya ng koryente.
  6. Ugaliing hanapan ng “Valid I.D” ang sinumang kawani ng CENPELCO na inyong kausap.
  7. Pagpapalit ng sira at hindi na maayos na andar ng KWH meter
  8. Palaging humingi ng “Official Receipt” sa anumang pagbabayad na ginawa.
ANU-ANO ANG MGA KARAPATAN NG ISANG MIEMBRO O KASAPI?
  1. Bumoto.
  2. Maghawak ng halal na pwesto.
  3. Mabatid ang mga bagong impormasyon tungkol sa operasyon ng kooperatiba.
  4. Magsumbong sa pangasiwaan ng kooperatiba ukol sa tiwaling gawain ng mga kawani.
ANU-ANO ANG MGA KINAKAILANGAN SA PAGIGING BAGONG KASAPI /MAMIMILI?
  1. Dalawang (2) piraso ng ID Picture (1x1).
  2. Electrical Permit (Makukuha sa Municipal Engineering Office ng aplikante).
  3. Electrical Plan/Lay-out na pirmado ng Professional Electrical Engineer (PEE).
  4. Account # receipt ng pinakamalapit na kapitbahay.
  5. Napirmahang Application Form.
  6. Certificate of No Accounts.
  7. Inspection report ng LOMS Supervisor.
  8. Certificate of “Non-Violation of Contract” (Sa Billing Section).
  9. Pagbabayad ng Membership fee (5.00).
  10. Pagdalo ng Seminar (Ang mga aplikante ay puweding dumalo sa mga sumusunod na schedules.)


  11. Mangaldan Monday (9:00 AM)
    Bayambang Tuesday (9:00 AM) para sa mga residente ng Bayambang/Alcala at Bautista.
    Malasiqui Wednesday (9:00 AM)
    Bugallon Thursday (9:00 AM) para sa mga residenteng Bugallon/Labrador/Sual
    Lingayen Wednesday (1:00 PM) para sa mga residente ng Lingayen at Binmaley.
    Mangatarem Friday (9:00 AM) para sa ma residente ng Mangataren at Aguilar
    Urbiztondo Friday (1:00 PM)
    San Carlos City Nagsasagawa ng Seminar/Briefing mula Lunes hanggang Sabado ng umaga


  12. Mga Dapat Bayaran
  13. Membership fee 5.00
    Service fee 200.00
    Inspection fee
       a. 1-2 outlet 130.00
       b. 3-5 outlet 260.00
       c. 6-9 outlet 390.00
       d. 10 and above 500.00
       e. COOP Share
          1. 1 Convenient Outlet 3.50
          2. 1 Lighting Outlet 2.50
          3. Service Entrance
             30 Amps 5.50
             60 Amps 11.00
    Energy Deposit (3 months)
             a. 1-5 Lighting/CO 500.00
             b. Above 6 Lighting 600.00
    KWH Meter Deposit
             a. Class 100/Socket Type 1,400.00
                Meter Base 400.00
             b. Class 200 (G.E.) 3,292.00
                Meter Base 3,500.00
    Meter Box (Fabricated) 450.00
             a. Meter Seal (Clicklock) 25.00
             b. Box Seal 25.00
             c. Terminal Seal 25.00
             d. Crimlock Seal 25.00
    Service Drop
             Duplex Wire #6 21/m
             Wire Holder/Grip 104.00
    Calibration Fee 50.00
     
    Ang Special Lighting fees ay tulad din ng New Connection fees maliban lang sa Energy Deposit n kung saan dumedepende ito sa magagamit na load/wattage
     
    Note: Ang nakasaad na halaga ay puweding mabago depende sa inaprobahang halaga ng mga Hunta Direktiba
ANO ANG REPUBLIC ACT 7832?
Ang Republic Act 7832 ay may titulong “Anti-pilferage and Theft of Transmission Lines Act of 1994 ” o batas laban sa pagnanakaw ng koryente at pang-elektrisidad na linya o materyales.
 
ANU-ANO ANG MGA URI NG PANDARAYA O PAGNANAKAW?
  1. Pinakailaman o ginalaw na meto at selyo.
  2. Paggamit ng crocodile clip, transformer grounding at sabat system, tingting, half moon at iba pa.
  3. Paggamit ng koryente nang walang metro.
  4. Pagtagilid o pagtaob ng metro.
  5. Flying connection.
ANU-ANO ANG MGA DAPAT BAYARAN KUNG NUHULING LUMALABAG SA REPUBLIC ACT 7832?
  1. Unang pagkahuli (1st offense)
    • P 10,000.00 + RC (18 Mos.)
    • 500.00 Meter & Seal
    • 230.00 Reconnection Fee>
  2. Pangalawang pagkahuli (2nd offense)
    • P 20,000.00+RC (36 Mos.)
    • 501.00 Meter & Seal
    • 230.00 Reconnection Fee
  3. Pangatlong pagkahuli (3rd offense)
    • P 10,000.00 + RC (60 Mos.)
    • 502.00 Meter & Seal
    • 230.00 Reconnection Fee

Note: RC-Recovery Charge (Balik Kwenta) o pagbawi sa halaga ng nakunsumong koryente na nawala. May idadagdag na babayarin kung ang metro ay sira na o hindi na puweding gamitin.